Category Archives: Mga Dyornal

Pang-himok: Magsulat ng dyornal.

Mula sa pasalitang pagtatanghal ni Cheene Bustos—

Magandang umaga mahal kong mga kaibigan.

Kumusta naman ang buhay buhay natin? Mabuti? Ayos.

Naaalala niyo ba ang pakiramdam noong una beses kayong mahulog para sa isang tao? O kung sa kasawiang palad ay hindi niyo pa nararamdaman iyon, e iyong pakiramdam noong unang beses na makakuha kayo ng kaiyak-iyak na grado sa isang eksamen?

Magpatuloy sa pagbasa

Cheene

ika-1 ng Pebrero

Ang Quiz

Maligayang unang araw ng Pebrero! Sa totoo lang, inis na inis ako ngayong araw na ‘to. Pa’no ba naman, dahil alam kong magkakaroon kami ng quiz sa Biochem ngayon sa lektyur, literal na buong gabi akong nag-aral para doon, buong gabi, maniwala ka. Naabutan pa kong gising ng mga manong na naboblower ng kalat sa labas ng dormitoryo na nagmamarka na isang panibagong araw. E alas otso ‘yong klase ko. So umidlip ako sandali, tapos oras na minulat ko ang mga mata ko, 7:50 am na! Ginising pa nga ako ng roommate ko at sinabi saking maglagay na lang ako ng sapatos at humagibis sa pagtakbo. Edi nagsipilyo ako at dali-daliang naghilamos. Tapos, sa pagdampi ng malamig na tubig sa pagmumukha ko, naisip ko, siguro wala rin namang kuwenta kung pupunta pa ‘ko kasi oras na makarating ako doon, tapos na ‘yong quiz. Kaya paglabas na paglabas ko ng banyo, naglakad ako papuntang mesa, umakyat sa aking kama, at niyakap ang aking malambot na malambot na unan. Bahala na. Natulog akong muli sa abot ng aking makakaya. Pagkagising ko naman, sukdulan ang pagkainis ko sa sarili ko. Kasi parang na-realize ko, kung kelan ba naman malinaw na inihayag ng prop na magkakaroon ng quiz (madalas kasi sorpresa), doon pa ko hindi nag-aral ng maaga at natulog ng maaga. Nakakasira talaga ng araw. Hay nako.

Magpatuloy sa pagbasa

Elinore

Ika-29 Enero, 2012

Kung minsan, iniisip ko na parang ipinanganak ako sa maling taon. Bakit kaya? Tinataya ko ang buhay ko kapag wala akong ginagawa at naisip ko na maraming aspeto sa buhay ko na hindi ko gusto. Halimbawa, ang kapatiran ng kuya ko at ang kapatiran na kinabibilangan ko ngayon ay malapit na malapit na mga organisasyon. Alam ko ang mga kaugalian ng mga tao noon at nagustuhan ko. Nakilala ko ang mga mababait na mga “kapatid” ng kuya ko noong bata pa ako. Noong nakilala ko sila, alam ko na ang kaugalian ko at ang mga kaugalian nila ay parehong-pareho. Mula noon, alam ko na gustong-gusto kong maging isang bahagi sa organisasyon ng kuya ko bilang isang babaeng kapatid. Maraming taon na ang nakalipas at isa na akong babaeng kapatid para sa organisasyong ito at alam ko sa loob ng aking puso na ang kaugalian ko at kaugalin ng mga bagong kapatiran ng kuya ay hindi na pareho. Itong mga bagong lalake ay gusto nilang makipagkaibigan sa mga babaeng mukhang pokpok. Parang gusto lang nilang uminom ng serbesa. Sinubukan kong makipag-inuman pero ayaw na ayaw kong uminom.
Alam ko na wala akong espesyal na makina upang maipanganak ako sa ibang taon o ibalik ang nakaraan kaya alam ko ang dapat kong gawin para mas maginhawa ang aking kaisipan: dapat gumawa ako ng bagong relasyon sa mga ibang organisasyon na komportable ang pakiramdam ko. Kailangan kong gumawa ng bagong daan para sa akin at sa aking organisasyon dahil ito ang solusyon sa aking problema ngayon at sa panahong darating.

Magpatuloy sa pagbasa

Jewelle

Ika-Pebrero 5

Nagmeryenda kami ni Juju ngayon araw nito. Kumain kami sa Feast. Ang Feast ay isang bagong restawaran na napakasosyal—para siyang fine dining. Kumain kami ng kanin at masarap at malasa na karne. Naka dalawang plato kami. Pagkatapos noon naggawa kami ng assignment para sa SPACE tungkol sa mga magulang na estudyante namin. Dahil sa assignment ito, naunawaiin naming kung sinong mga magulang ang pwede naming kausapin para mapatibay ang aming relasyon sa kanila. Pagkatpos nito, umalis na ako at pumunta ako sa Beverly Hills kasi gusto ko mag-aral sa Starbucks doon at ang aking pinsan ko ay nagtratrabaho doon. Dahil dito, mayroon akong starbucks na walang bayad, nakakabawi pa ako! Nakikita ko na kapag nagpupunta ako sa ibang lugar katulad ng Starbucks mas prodoktibo akong mag-aaral kaya hindi ako nagtatambay sa bahay kasi natutulog lang ako doon. At dahil late na ako umuwi pagkatapos kong mag-aral, nakitulog lang ako sa bahay ng pinsan ko.

Magpatuloy sa pagbasa

Joshua

Enero 18 2012 – Day 7
Miyerkules

Pumunta ako sa Wooden ng 8 sa umaga upang maghehersisyo ako bago simulan ang aking araw. Isa sa aking resolusyon sa bagong taon ay mangayayat ng kaunti. Nasiyahan ako dahil hindi pa nabangon ang maraming tao at tapos na ang aking pag-eehersisiyo.
Nagtrabaho ako mula 9 sa umaga hanggang 1 sa tanghali. Masyadong napakahirap ang araw nito dahil mahaba ang “lunch rush” pero natapos rin patungo sa dulo.

Bumasa ako sa hapon hanggang gabi sa powell. Masaya ako dahil nagtrabaho ako ng husto at natpos ko ang aking kailangan magbasa.

Kinausap ko ang aking mga estudyante sa SPACE sa gabi upang makipag-usap tungkol sa kanilang pagaralan at sa kanilang mga layunin. Gusto kong makipag-usap sa kanila dahil palaging tunay ang sinasabi nila sa akin at pinagkakatiwalaan sila sa akin.
Pagkatapos, bumalik ako sa aking kwarto para kumain, maggawa ng trabaho, at matulog.

Magpatuloy sa pagbasa

Linda

2/5 – Breaking Bad

Paborito ko ang bagong palabas na “Breaking Bad”. Ang istorya na ito ay tungkol sa isang guro ng kemika sa hyskul at mayroon siyang terminal kanser. Kasama niya ang lumang estudyante, gumagawa sila ng mga drogo (crystal meth) at kumikita sila ng maraming pera. Ginagawa niya ito dahil kailangan niya ng pera para sa mga gamot para kanser at gusto niya siguraduhin na may pera ang pamilya niya bago siya mamatay. Nagustuhan ko itong palabas dahil hindi natin alam kung mabuting mali o legal etong mali. Kahit na sinisira niya ang batas sa paggagawa at pagbebenta ng drogo, mayroon pa rin siyang mabait na kaugalian at sapat na mga rason kung bakit niya ginagawa ang mga ito.
Ang importanteng paksa sa ating lipunan: ang palagay natin kung ano ba ang “mabuti” o “mali”. Hindi malinaw ang mga batas natin at kung minsan parang hindi ito disenyo para sa mga kabutihan natin. Kung minsan ang mga tao nagnanakaw ng pagkain para sa kanilang pamilya ay mabait naman. Iba’t-iba ang tingin ng mga tao pero hindi nakikita ng ating lipunan ang tunay na bagay na nangyayari dahil na bulagan sila sa kanilang mga malabong batas.

Magpatuloy sa pagbasa

Mark

Ika-Pebrero-6-2012
Hay naku tumakbo ako ng 3.5 miles ngayong umaga. Ang sarap ng feeling pagkatapos. Ano ba to? Bakit ganito ang feeling ko. Ayoka ng feeling na ito. School bukas. =/. Sana wala nang school. Pero kung wala talaga ang school paano kaya matututo ang mga tao. Siguro ang lipunan ay hindi magiging wasto. Wala siguro ang lipunan. Ang tinatawag natin na human rights ay wala. Kahapon nag punta ako sa Historic  Filipino Town. Nagpunta kami sa ibat-ibang mga simbahan. Isa sa aming pinuntahan ay ang simbahan ng iglesia ni Christo. Noon ang alam ko lang sa kanila ay hindi sila kumakain ng Chocolate meat (a filipino food with pig’s blood in it). Pero noong nagpunta kami sa simbahan mayroon kaming nakilala na isang membro ng simbahan at ipinaliwanag nila ang kanilang relihiyon. Nasurpresa ako noong kanilang ipinaliwanag na wala silang Cross in Jesus. Sinabi pa ng mama na tunay na god ay nasa tao. Isa pang sinabi niya ay kung ano man raw ang nasa Bible yun lang ang kanilang tinutoro. So ibig bang sabihin nito na ang mga ibang relihiyon ay nagdadagdag ng kung anoman sa mga kanilang tinuturo tungkol sa bibliya? At sino nga ang tama sa pag-iinterpreta ng bibliya.

Magpatuloy sa pagbasa

Sarah

January 19, 2012

Pumunta ako sa “The American Mall” sa Glendale. Ang ganda nito! kumukha nito ang “The Grove Mall” na malapit sa Hollywood. Ang daming mga magagandang tindahan. Pumunta ako sa bawat isa! Maliit din kasi ang pamilihan nito, pero medyo mahal ang mga tinda nila. Malaki ang populasyon ng mga Pilipino dito, kaya meron silang mga Pinoy na tindahan. Nakita ko ang “Potato Center” at natuwa ako. Paborito kong miryenda ang kanilang mga french fries sa Pilipinas. Bumili ako ng pinakamalaki nilang “size” ng barbeque fries. Na-miss ko talaga ko ang pagkain na iyon.

Magpatuloy sa pagbasa