Category Archives: Kuwento at Libangan

Kung Paano Nagkaroon ng mga Paruparo

Kung Paano Nagkaroon ng mga Paruparo

How Butterflies Came to Be

Muling ikinuwento ni Lea Buenaventura

Noong araw, mayroong isang matandang babae na nag-aalaga ng hardin malapit sa lawa. May isang mangingisda na nakatira sa katabing nayon ang nagmamahal sa kanya at madalas siyang dinadalhan nito ng mga isda kapalit ng kanyang magagandang bulaklak.

Magpatuloy sa pagbasa

Bathala

Bathala

Muling ikinuwento ni Kristoffer Catipon

Noong simula ng panahon, mayroong tatlong malalakas na diyos na nakatira sa mundo. Si Bathala ay ang tagabantay ng lupa. Si Ulilang Kaluluwa naman ay isang malaking ahas na nakatira sa ulap at si Galang Kaluluwa ay ang diyos na may pakpak na mahilig gumala. Hindi alam ng tatlong diyos ang tungkol sa bawa’t isa.

Magpatuloy sa pagbasa

Pang-aliw. Ang Ateista at ang Oso.

Muling ikinuwento ni Ezra Biado

Lumalakad ang isang ateista sa kagubatan isang araw, hinahangaan ang lahat ng nilikha ng ebolusyon.

“Anong rilag na puno! Anong lakas na ilog!  Napakagandang mga hayop!” usal nito sa sarili.

Habang lumalakad siya sa tabi ng ilog, narinig niya ang pagkalulskos sa mga palumpong ng halaman sa likod niya. Paglingon niya, nakita niya ang isang osong nakaambang sumalakay sa kaniya. Mabilis siyang tumakbo. Malapit na ang oso sa kaniya. Kumalampag ang puso niya habang nagsisikap siyang tumakbo. Natisod at bumagsak siya sa lupa. Habang gumugulong siya at akmang tatayo, nakita niya ang osong inaabot siya ng kaliwang paa nito at itinataas  ang kanang paa upang patayin siya.

Magpatuloy sa pagbasa

Pinoy Dyoks/Kowts/Banat

Tinipon ni Cheene Bustos

Babala: Korni ‘yong iba!

Isang araw sa isang fastfood chain…

Crew: Goodmorning sir ano pong order niyo?
Lalaki: 1 large burger chaka isang large softdrink.
Crew: Dito niyo po ba kakainin sir?
Lalaki: Uhm, pwedeng sa table na lang? Nakakahiya kase kung dito may nakapila pa sa likuran?
Crew: Sa table ho? Ayaw niyo po bang sa plato para di baboy tignan?

Magpatuloy sa pagbasa

Isport na Cross Country: Ano ba ito?

ni Elinore Lubiano

accessed 6/17/2012

Mahirap ang isport na Cross country. Kailangan ito ng malakas na kalooban at isipan.

Relo, matibay at bagong sapatos pang takbo,  at komportable na damit ang mga kinakailangang gamit para sa isport na’to.
walang kadudada na kailangan mo ng maraming tubig para maireplenish ang iyong pagkauhaw.

Magpatuloy sa pagbasa

Isang Pangyayaring Hindi Malilimutan

ni Jessica Morales

Sa hayskul, tumugtog ako sa pit ng orkestra para sa produksyon ng iskuwela namin na “Les Miserables.” Ito rin ang unang beses na tumugtog ako sa isang pit. Ang pit ay isang seksyon sa ilalim ng entablado kung saan ang orkestra ay tumutugtog ng musika para sa isang palabas.

Napakaliit na lugar ng pit at dahil sa napakalaki ng orkestra namin, limitado ang espasyo. Napakadilim ng pit sa mga palabas, at tanging mga light stand lang ang aming liwanag. Ang tanging daan lamang papasok at palabas ay isang makitid na pasilyo, at puno ito ng  mga instrumento, mga lalagyan ng mga piyesa ng musika, at ng mga tao. Napakahirap kumilos, at may mga aktor na naghihintay na kailangang kumanta.