Category Archives: Samu’t Sari

Mga Liham

Mahal kong mga magulang,

Sumusulat ako upang ipahayag sa inyo ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng inyong sakripisyo, pag-unawa, pag-aaruga, at higit sa lahat, sa walang sawang pagmamahal na ibinibigay ninyo sa akin at sa aking mga kapatid. Alam ko na lahat ng inyong ginagawa ay para sa aking kabutihan. Alam ko rin na pag minsan, iniisip ninyo na lumalaki akong taliwas sa inyong kalooban. Gusto kong malaman ninyo na ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang maipakita at maibalik ko sa inyo lahat ng kabutihang-loob na ipinadama ninyo sa akin. Bawat araw na hindi ko kayo nakakasama, bawat oras na ginugugol ko sa aking pag-aral ay inaalay ko sa inyo. Pero meron akong mga bagay na dapat kong gawin upang mahanap ko ang aking sarili at matuto akong tumayo sa sarili kong mga paa.

Magpatuloy sa pagbasa

Helpful Blood Pressure Screening Phrases

ni Elizabeth Cabana

Good morning / noon.
Magandang umaga po.

My name is…
Ako po si…

Can I interview/ask you questions? It won’t take long.
Pwede po bang mainterbyu kayo? Sandali lang po ito.

It’s for UCLA School of Nursing.
Para po ito sa UCLA School of Nursing.

Would you like a free blood pressure screening?
Gusto n’yo po bang magpaBP? Magpatuloy sa pagbasa

Ang Katutubong Pasyon

ni Kristoffer Catipon

Ang aking interes sa pag-aaral ng kulturang Pilipino, ay nag-ibayo sa panahon ng aking unang taon ng pag-aaral sa UCLA nang sumayaw ako para sa SPCN (Samahang Pilipino Cultural Night). Natutunan ko ang maraming mga espirituwal na katutubong paniniwala na minamahal ko rin. Habang nagsisimula kong dagdagan ang nalalaman at higit pa tungkol sa mga angkan ng mga tradisyonalista ng Pilipinas, tulad ng  mga Subanon, nakita ko maraming mga relasyon at mga pagkakapareho sa aking espirituwal at pilosopikal na paniniwala sa aking pansarilng buhay. Nais kong malaman kung paanong ang mga taong ito ay nanatiling  kapalagayang-loob ang kanilang mga kultura at paniniwala nang hindi nakokolonisa.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Regalo

Buhay ang Regalo

Sinasabi lagi ni nanay na ang buhay ko ay regalo mula sa mundo, dagat at araw. Sinasabi niya na nakakaimpluwensiya ang lahat sa akin, gaya ng liwanag ng ilaw sa bahay at ng halamang nasa paligid…ang mga hayop na nagpapataba at nag-aalaga ng lupa…kasama na rin ang mga mikrobiyo, na tumutulong sa aking kumain nang mas magaling. Gusto kong tumira sa mga tropikal na lugar, kung saan mainit at mahalumigmig, at pakinggang mag-usap ang mga alon ng dagat at lupa. Gusto ko ring tingnan ang mga magagandang tanawin.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Aking Pinaniniwalaan

Pagkakaibigan

Naniniwala ako sa pagkakaibigan.  Sa palagay ko isang mahalagang aspeto ang pagkakaibigan sa buhay.  Isang mahalagang sangkap para sa kaligayahan ang pagkakaibigan.  Gayunpaman, naniniwala ako na ang pagkakaibigan ay hindi dapat ipagsawalang-bahala.  Ang pagkakaibigan ay maaaring maging mahirap dahil ito ay nagsasangkot ng isang koneksyon sa ibang tao.  Sa tingin ko ang pagtitiwala, katapatan, at pagkamaaasahan ay ilang mahahalagang mga sangkap na kailangan ng isang tunay na pagkakaibigan.  Kinakailangang respetuhin at tanggapin ang mga kaibigan para gumana ang pagkakaibigan.  Naniniwala ako na ang pagkakaibigan ay nagbibigay daan sa parehong mga grupo ng tao na umunlad mula sa isa’t-isa.  Sa aking buhay, palagi akong nagkakaroon ng maraming mga malalapit na kaibigan.  Natutunan ko na ang aking mga kaibigan ay nakakatulong sa akin upang maging kung sino ako ngayon.  Habang lumalalim ang pagkakaibigan, malamang na mas makikilala mo ang pagkatao ng iyong kaibigan kagaya ng pagkakilala mo sa iyong sarili.  Ang aking paniniwala tungkol sa pagkakaibigan ay hindi nagbago dahil walang dahilan para sa akin na baguhin ko ito.

Erika Castro

Magpatuloy sa pagbasa