Category Archives: Lugar, Moda, at Pagkain

Ang Lugar na Gusto Kong Puntahan

Tagaytay

Matagal nang nagbabalak ang pamilya namin na pumunta sa Pilipinas. Kahit wala pa kaming eksaktong petsa ng paglakbay, ang plano namin ay sa ka-Paskuhan ng 2013. Kahit malayo pa ito, nag-umpisa na akong gumawa ng listahan ng mga lugar na gusto kong makita. Base ito sa mga napanood ko sa The Filipino Channel (TFC) o sa mga kuwento ng mga kamag-anak ng Nanay ko.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Lupang Tinubuan ng Aking Magulang

Biñan, Laguna

Tumira ang nanay ko sa Biñan, Laguna noong bata pa siya. Sinabi niya na palagi siyang nasa bahay kung hindi siya nasa plasa para papunta sa Maynila. Tumira siya sa isang malaking bahay kasama ng nanay at kuya niya at laging siya nagaaral sa kwarto niya. Lumalabas lang siya kung may piyesta at ang paboritong piyesta niya noon ay ang selebrasyon ng patron nila, si San Isidro Labrador, taon-taon sa ika-15 ng Mayo. Matao sa mga piyesta pero sa mga ibang araw konti lang ang tao sa Binan. Nasa bukid ang Biñan at walang panganib doon. Maputik ang lupa noon pero ngayon may simento na ang mga daan. Ayaw ng nanay kong isipin na hindi siya sinamantala ang mga pwedeng gawin sa Biñan. Simple lang ang buhay doon sa Binan pero ngayon may mga malls at mas matao na doon at mas maiingay na ngayon.

Magpatuloy sa pagbasa

Monique Lhuillier

ni Sarah Nunez

Konting organza, nilukot na tulle, isinabog na mga sequins sa satin na baro.  Di ba’t ang mga trahe de boda  ay sadyang kagandahang waring yari sa kalangitan?  Bawat gawn ay nilikha ng lubusang pagmamahal, pag-iingat at atensiyon sa detalye.  Ang damit pangkasal marahil ang pinakaimportanteng bagay sa isang kasalan. Ang mga ikakasal ay nagsasa-Indiana Jones sa paghahanap at gumagastos ng napakaraming pera para lang mahanap ang perpektong gawn para sa pagsambit ng “Oo.” Ito ang dahilan kung bakit ang pagiging isang tagadibuho ng damit pangkasal ay hindi gawang biro. Nangangailangan ito ng di matatawarang talino at ganap na dedikasyon sa paglikha. Nangangailangan ito ng pagmamahal sa sining ng pananamit at matatag na paniniwala  na maisakatuparan ang pangarap  ng mga kababaihan.  Ang isang tagadibuho ng trahe de boda ay maihahalintulad sa isang salamangkero, sapagkat nagagawa nilang buhayin ang isang likha ng imahinasyon.

Magpatuloy sa pagbasa

Milk Tea

ni Sarah Nuñez

Hindi nahuhuli ang Pinas sa mga pinakabagong uso na yumayanig sa mundo. Mapauso sa moda, pinakabagong kagamitan, o kahit tsismis sa mga sikat na tao, ang ating lupang tinubuan ay parating nangunguna.  Tunay na katangiang Pinoy ang parating nangunguna sa balita at bihasa sa iba’t ibang uri ng sining at kultura na maaari nilang magamit.  Ano ang isang bagay na hindi kailanman mauunahan ang Pinoy?  Ang pagkagusto ng matatamis! Oo, ang kasalukuyang obsesyon sa paghahanap ng pinaka bagong matamis ay isang bagay na  ipinagmamalaki nating mga Pinoy … e di kasi naman, anong mangyayari sa mundong ito kung hindi natin lalagyan ito ng kaunting tamis

Magpatuloy sa pagbasa

Kapag nagki-crave ka nga naman ng isaw at tokneneng. Unang parte.

ni Cheene Bustos

Tita’s Kitchenette
2720 E Plaza Blvd, National City, CA 91950

Disperas ng bagong taon nang mapagtanto ng isa naming kabarkada na gusto niyang kumain ng isaw at tokneneng. Balita naman ng isa pa naming kabarkada, mayroon daw isang tindahan sa San Diego na nagbebenta ng pagkaing kalye. Kinabukasan, (we found ourselves on our way to San Diego). Magpatuloy sa pagbasa

Kapag nagki-crave ka nga naman ng isaw at tokneneng oo. Ikalawang parte.

ni Cheene Bustos

Kalye Hits
914 E 8th St. Ste 202 National City, CA 91950

Makaraan ang higit sa dalawang buwan, dinalaw na naman ang barkada namin ng trip na makakain ng isaw at tokneneng, kaya napagdisisyunan naming bumiyahe nanaman patungong National City. Pero this time, tumawag na kami sa tindahan para masiguradong bukas sila hanggang gabi. Natanaw naming muli ang pamilyar na lugar, pero ngayon may ilaw na. Sabik, dalian naming sinugod ang tindahan at tinignan ang menu.

Magpatuloy sa pagbasa