Category Archives: Halo-Halo

It’s OUR Turn at the Hollywood Bowl – July 8

Dear Good Folk of Our Communities….
Among my many dreams, I have always wanted Filipino entertainers to be
a part of a Hollywood Bowl concert. Somehow, the opportunity to
present our artists at that prestigious world class venue has eluded
our performers and producers. But now, through a series of fortunate
connections, Apl.de.ap, the Grammy-winning co-founder of the Black
Eyed Peas, has been asked to present a concert that showcases Filipino
music — from harana to OPM to hip-hop.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Kahalagahan ng Elementari Iskul

Mula sa pasalitang pagtatanghal ni Linda Reyes—

Natutunan kong lahat ang kailangan kong malaman sa elementarya. Ang K-12 na edukasyon ay napakahalaga sa personal na pag-unlad dahil ito ang pundasyon ng ating pag-aaral. Siyempre, sa mas mataas na edukasyon tulad ng teknikal na mga paaralan at unibersidad na may akreditasyon, maaari nating malaman ang kaalaman na kinakailangan upang matamo ang ating mga karera. Gayunman, ang ating K-12 na edukasyon ay umaakay kung paano natin matututunan ang anumang mga bagong materyal na pag-aaralan. Habang may mga pamantayan ang estado na kailangan ng mga guro ng elementarya na sundin upang matugunan sa kanilang kurikulum, nananatiling maraming maaaring gawin. Sabi ni Vyom Munjaal, isang ekspertong may-akda, sa sistema ng K-12, nadidiskubre ng estudyante ang kanyang sariling kapasidad sa pagkatuto at kakayahan ng pag-iisip. Nangyayari ito dahil ang mga mag-aaral sa K-12 na paaralan ay binibigyan ng mas maraming mga indibidwal na pansin ng mga guro; hindi lahat ay inaasahan na pare-pareho ang antas ng intelektwal na kakayahan sa panahong ito. Sinabi ni Munjaal, ang tungkulin ng isang guro ng K-12 ay hindi upang sabihin ang lahat ng impormasyon sa mga mag-aaral kundi, sa halip, ang tungkulin ay magbigay sa kanila ng pagkakataong matuto na makakatulong sa paggabay at paghubog ng kanilang paraan ng pag-alam ng impormasyon. Ito lay ubos na naiiba sa mas mataas na edukasyon, kung saan ang mga mag-aaral ay binibigyan ng impormasyon, takdang-aralin, at inaasahan na matututunan mo ang iyong sariling paraan upang magtagumpay sa klase. Ang mga “batong” pundasyon para sa pagtatagumpay ay nagsisimula sa elementarya.

Magpatuloy sa pagbasa

Yamang-dagat sa Pilipinas: Mayroon pa ba?

ni Judy Christa Nazareno

Link ng Larawan

         Ang Pilipinas ay sagana sa yamang dagat sapagkat ito ay isang arkipelagong bansa. Mula sa mga makukulay na perlas, korales at iba’t ibang klase ng isda, matatagpuan rin sa ating mga karagatan ang mga dugong, green sea turtles, hawksbill, at loggerhead. Tinatayang mahigit kumulang 2.2 milyong kilometrong kuwadrado ang katubigan ng ating bansa na siyang pinagkukunan ng kabuhayan ng 991 libong Pilipino. Dahil dito, hindi kataka-takang maging pangingisda ang isa sa maging pangunahing hanap-buhay ng mga Pilipinong nakatira malapit sa mga baybaying-dagat. Subalit ang ganitong sitwasyon ay unti-unting nagkakaroon ng mga pagbabago dahil na rin sa kapabayaan at walang-pakundangang pang-aabuso sa ating likas na yaman, partikular na sa ating mga yamang dagat.

Magpatuloy sa pagbasa

Mga estudyante ng UCLA na naglilingkod sa komunidad:

Nagtapos si Rhommel L. Lara Canare sa UCLA noong 2008 at katatapos lang niya ng kanyang Masterado sa Asian American Studies sa San Francisco State University noong 2011. Lagi siyang nakikisangkot sa mga isyu tulad ng edukasyon, kalusugang pampubliko, sibika, si Rhommel ay inuugat ang kanyang mga gawain sa pagpapabuti ng mga buhay ng mga Pilipina/o Amerikanong komunidad at ng kalakhang Asyano Amerikano at tagapulong mga Pasipiko (AAPI) na Komunidad.  Si Rhommel ay kasalukuyang nagtatrabahosa Asian Pacific American Legal Center sa Los Angeles bilang bagong Voter Engagement Coordinator upang magmobilisa at magturo sa mga botante para sa eleksyon ngayong taon.  Maari siyang makontak sa email:rcanare@apalc.org

Magpatuloy sa pagbasa

Hacienda Luisita

nina Daniella Ocampo, Roland Azurin, Erika Castro, at Cristina Prodigalidad

I-click ang link na ito para panoorin and bidyo.

Hindi madali ang buhay ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Maaari lang silang magtrabaho ng isang araw bawa’t linggo at sila ay binabayaran ng kulang sa sampung piso. Ang maliit na suweldo na ibinibigay ng mga may-ari ng lupa sa mga magsasaka ay hindi sapat para mapakain ng mga ito ang kani-kanilang mga pamilya habang tinatago nila ang kita ng mga ani para sa sarili nila. Nagalit ang mga magsasaka dahil hindi tinupad ng mga may-ari ang pangako nilang itataas angkanilang suweldo. Nagwelga ang mga magsasaka upang tumaas ang kanilang suweldo at bumuti ang buhay nila sa Hacienda Luisita. Naghagis ng tear gas ang mga may-ari ng lupa at ang mga pulis sa magsasaka. Marami ang nasaktan, nakulong, at napatay.

Magpatuloy sa pagbasa