Category Archives: Pelikula

Anak Dalita

Sa pelikula na “Anak Dalita,” mayroong ilang mga kontrahan ang pangunahing tauhan si Vic. Ang sundalo si Vic, pero kailangan umalis sa kanyang tungkulin dahil namatay ang kanyang ina. Sa bahay ng kanyang ina, nakilala niya kay Sita. Tingin niya na hamak si Sita dahil ang burikit siya, at hindi rin nagmamalasakit siya tungkol sa mga iskuwatersa kanilang baryo. Gayunman, huli umibig siya sa kanya, at namuksa niya ang kanyang pakiramdam ng kataasan. Hindi puwedeng bumalik siya sa hukbo dahil sa isang pinsala: hindi maaaring muling gamitin ang kanyang braso. Tinutulong ayusin ni Vic ang isang rebulto para sa iglesya. Pero mamaya, nasubsob siya sa mga butangero.  Sabihin nila sa kanya sa maglipat ng pera sa loob ng rebulto sa Hong Kong. Mayroong dilemang moral siya, pero umayon siya sa maglipat ng mga droga. Gayunman, inaalis niya ito, at ginagalit ito ang mga butangero. Iniligay ng pagkakamali ni Vic si Ipe sa panganib. Ipinakita ng pelikula ang kahalagahan ng mga ugaling moral at din kung paano ang aming mga kilos ay makaapekto sa mga tao sa paligid natin.

Magpatuloy sa pagbasa

Crying Ladies

Ang pelikulang Crying Ladies ay tungkol sa tatlong magkukumareng inupahan upang maging tagaiyak sa isang burol ng isang yumaong Tsino. Sabi-sabi, hindi na raw uso ang pagkuha ng mga taga-iyak sa patay, subalit gusto ng ina ni Wilson, anak ng yumao, na bigyan ng tradisyonal na burol ang kanyang ama. Sa paghahanap ni Wilson, nadirekta siya direksyon ni Stella, isang ina na dating taga-iyak at ngayo’y kalalabas lamang sa prisinto. Tamang-tama, desperado pa naman si Stella sa kahit na anong pagkakakitaan para makuha ulit ang anak na nasa pangangalaga ng dati niyang asawa. Tinanggap ni Stella ang alok ni Wilson at nagrekluta siya ng mga kumare niya na maging taga-iyak. Isa na si Aling Doray, isang nanay na ang bukambibig ay ang dati niyang pagganap bilang isang extra sa isang pelikula noong kapanahunan niya. At ang pangalawa ay si Choleng, isang relihiyosang dalaga na nagkakasala dahil sa paulit-ulit na pakikisiping sa isang lalaking may asawa. Bawat isa sa kanila ay may sari-sariling kwento, at ang bawat isa ay handang umiyak ng pekeng luha para mapagkakitaan.

Magpatuloy sa pagbasa

Dreaming Filipinos: Buod at Kritika sa Nilalaman at Pagkakagawa ng Pelikula

Ang pelikulang Dreaming Filipinos ay tungkol kay Paul, isang tineydyer na pinanganak sa Amerika ngunit pinalaki at pinag-aral sa Pilipinas ng kanyang lolo. Gusto ni Paul na makapunta ng Amerika upang makasama ang kanyang mga magulang, pero bago niya magawa ito, kailangan niya munang makapagtapos ng pag aaral sa Pilipinas, at para makapagtapos, kailangan niyang makapasa sa History class kung saan kailangan niyang magsulat ng isang papel, na ang sentrong tanong ay “What’s wrong with Filipinos?” Ilang beses na siyang nagsulat at nagpasa ng papel, pero bawat isa sa mga ito ay hindi pinagsang-ayunan ng kanyang propesor, isang Pilipino na lumaki sa Amerika.

Magpatuloy sa pagbasa

Ibong Adarna: Ano ang “Ibong Adarna” sa Buhay Mo?

Ang aking Ibong Adarna ay ang pagpasok sa paaralang pang-medisina. Mahirap makapasok sa ganitong eskwelahan dahil sa karumal-dumal na kompetisyon. Sobrang dami ng mga estudyanteng gustong maging doktor. At sobrang dami rin ng oras ang kailangan kong ibigay para sa pag-aaral, pagboboluntaryo, at pag-aaral na naman. Kailangan kong magsakripisyo ng oras para sa paglalaro at ibigay ang oras na ito sa pag-aaral para makakuha ng matataas na grado. Talaga namang magiging malaking pagsubok itong mga susunod na sangkapat para sa akin. Baka nga talagang kailangan ko pang gumamit ng labaha at kalamansi para hindi ako antukin sa mga gabing ibubuhos ko ang oras ko sa pagsasaulo ng mga konsepto. Kung hindi, baka maging tulad ako sa isang naiputang tao na naging bato na walang mapupuntahang malayo. Isa pa, inaasahan ng magulang ko na makapagtatapos ako ng medisina at makakatulong sa kanila sa oras na magretiro na sila sa pagtatrabaho.

Magpatuloy sa pagbasa

Kaaway ng Babae

Ginawa noong 1948 ang pelikula na “Kaaway ng Babae,” pero makauhulugan ang mga isyu ng kasarian ng kasarian ng pelikula ngayon pa rin.  Tingin ko na ang mga isyu ng kasarian ay laging mahalaga dahil palaging pagbabago ang lipunan, at ang mga babae sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ay makamtam ang iba’t-ibang mga antas ng kadaliang mapakilos.

Magpatuloy sa pagbasa

La Visa Loca: Pagsusuri

Sa pelikula na “La Visa Loca,” ang kalaban si Jess ay sinusubukang makuha ng isang Visa sa upang pumunta sa Pilipinas.  Gumagana ng husto siya upang matiyak na ito nangyari, at pagkatapos ng ilang mga pagtatangka, siya huling nakakakuha ng kanyang Visa.  Gayunpaman, sa dulo, nananatili siya sa Pilipinas.  Sa palagay ko, nanggagad ang pelikula ng pagnanais na umalis sa Pilipinas.  Gusto ni Jess na lalaki sa “beat up” sa kanya, upang makakuha siya ng 10,000 pesos para sa kanyang Visa.  Tapos, nag-volunteer siya na ipinako sa krus upang makakuha ng trabaho bilang isang bantay sa Amerika.  Ginagamit ang pelikula ng kulturang Pilipino upang magpahigit ang pagnanais na umalis.  Gayunman, ito rin ay napakita na kung umalis mo, maaari mong umalis sa likod ng isang magandang buhay.  Mayroong si Jess ng isang anak na lalaki at ang kanyang ama na alagaan sa Pilipinas, at hindi niya maaaring umalis sa kanila para sa isang panaginip dahil kung ano ang kanyang buhay nang hindi sa kanila?  Dahil sa ganito, tingin ko na kaaway ay ang ina ni Jess, na nalimutan kung ano at kung sino ay mahalaga sa kanya upang maging Amerikano.

Magpatuloy sa pagbasa

Mababangong Bangungot

Pagkatapos naming mapanood ang “Mababangong Bangungot,” talagang malaki ang pagkakaiba ng kalinangan ng Kanluran at ng Pilipinas. Sa Pilipinas, kailangan ni Kidlat na  mag-alaga ng manok, magtanim ng gulay, at iba pa para may makain. Pero sa Pransiya, pwude siyang makabili ng pagkain at hindi na niya kailangang magpakapagod para magkaroon ng pagkain. Sa Pilipinas, mahihirap ang mga tao kaya parati silang umaasang magkaroon ng masmabuting buhay, pero sa Kanluran, maraming mga oportunidad na kumita ng pera pero ang panaginip ni Kidlat para maging astronot ay nawala dahil mahirap palang maging isang astronot. Medyo nagustuhan ko ang pelikula. Mayroon itong nakakatuwang eksena at natutunan ko ang buhay ng mga Pilipino at ang buhay sa isa sa mga bansa sa Kanluran. “Mababangong Bangungot” ang pamagat ng pelikula dahil ang magandang pangarap ni Kidlat ay naging isang “bangungot” noong nalaman niya na talagang napakahirap magkatotoo ang kanyang pangarap. Kahit na nasira ang kanyang pangarap para maging astronot, natutunan niya na dapat gumising sa kanyang panaginip at gumawa ng makatotohanan na layunin at yoon ang “mabango” sa kanyang “bangungot.”

Magpatuloy sa pagbasa

Pinagbiyak na Bunga: Malabanan Scene

 Ano ang nakakatawa sa Malabanan Scene?

Sa palabas na Pinagbiyak na Bunga na ginananapan ng mag sikat na komedyanteng sina Chiquito at Andrew E., ipinapakita ang kulturang katatawanan ng mga Pilipino. Isang halimbawa ay ang eksena ng Malabanan, kung saan ang kaibigan ni Chiquito ay nag-imbento ng tinatawag na mandurutsit machine (pinagsamang mandurugas at manunuritsit – na siyanaring nakakatawang tawag), na ginamit nila, kasama si Andrew E., upang makapagnakaw ng iba’t ibang bagay sa labas ng bahay. Nagnakaw sila ng manok at ng juice gamit ang naimbento, at bandang huli, naisipan nilang tatlo na magnakaw ng panulak. Ang hindi nila alam, na siya namang alam ng manonood, ay isang tangke pala ng Malabanan ang kanilang pinagnanakawan, kaya dumi ang nainom nila imbis na panulak. (Dito, ipinapalagay ng gumawa ng pelikula na alam ng manononood na ang Malabanan ang isang kompanya na nangongolekta ng dumi ng bayan.)

Magpatuloy sa pagbasa