Category Archives: Mga Tula at Akda

Mga Tula

Saan Tumutungo ang Ating mga Mahal sa Buhay?

ni Megan Villamin

Ang artikulong “Saan Tumutungo ang Ating mga Mahal sa Buhay” ay tungkol sa isang taong nagkukuwento ng kanyang mga karanasan sa buhay sa tuwing mayroon siyang namamatay na mahal sa buhay. Ibinahagi ng nagsasalaysay ang mga kagawiang kanyang nakasanayan na sa tuwing mayroong yumayao. Ilan na sa mga ito ay ang nagpapadasal at nagpapakain. Ibinahagi din ng nagsasalaysay ang kanyang mga pinaniniwalaang pamahiin katulad na lamang ng paniniwala nang kapag mayroon daw na naaamoy na halimuyak ng bulaklak, ibig sabihin daw noon ay nagpaparamdam ang patay.

Magpatuloy sa pagbasa

Maikling Kuwento: Papag

ni Jimmuel Naval

Pa-pag!
Pa-pag!
Pa-pag kayo riyan!

Maghapon na siyang sumisigaw. Halos hindi napapagod bagama’t bumubukal ang pawis  sa buong katawan. Pilit pa ring inilalako ang tanging batis ng ikinabubuhay. Tinahak na niya ang maraming kalsada, mga di-kilalang abenida, at maging mga putol na kalyehon. Wala pa ring pumapara sa kaniya upang magtanong at kilatisin ang natatanging paninda.

“Tay, saan ka maglalako ngayon?” pahabol na tanong ng apat na taon na anak ni Sendo nang makitang inaayos niya ang papag na papasanin.

Magpatuloy sa pagbasa

Kuwentong Pambata: Bagong Kaibigan ni Mika

ni Linda Reyes

Sa isang bayan sa malayong-malayong lugar, may nakatira na isang babae na nagngangalang Mika. Napakayaman ng kanyang pamilya. Si Mika ay mayroong mga mahal na damit at bagong laruan.

Lagi siyang nagyayabang tungkol sa kanyang mga gamit sa ibang mga bata. Lagi siyang humihingi sa kanyang mga magulang ng mas maraming mga bagay.

Magpatuloy sa pagbasa

Maikling Kuwento: “Ay Phone”

ni Cheene Bustos

Muntik nang mahulog sa lapag ang cellular phone ni Tintin nang magvibrate ito na parang wala nang bukas. Tumagilid si Tintin paharap sa pinanggalingan ng ingay, at dali-daliang kinapa ang ibabaw ng lamesa para patahimikin ang nagwawalang ay-phone. Pumindot-pindot ng random keys mapatigil lang ang  nakaririnding Globe ringtone. Bagot, pilit niyang binuksan ang isang mata para silipin ang oras sa alarm clock.

“Alas tres ng madaling araw may nambubulabog. Utang na loob naman.” Actually, nag-ooverreact lang siya. Ala-una pa lang ng madaling araw. Tinagilid niya ang ay-phone para tignan ang iskrin:

3 missed calls.
JOJO ❤ 🙂

Magpatuloy sa pagbasa