Category Archives: Organisasyon

Samahang Pilipino

Ang Samahang Pilipino (SP) ay isang organisasyon ng mga estudyante na tumutugon sa mga paksa/isyu at pangangailangan ng komunidad ng Pilipino at Pilipino-Amerikano, ng UCLA at ng karamihan ng lugar sa Los Angeles. Kamakailan, ipinagdiwang ng SP ang kanilang  pang-apatnapung (40th) anibersaryo. Mula noong taong 1972 ang SP ay tumutugon sa limang aspeto ng buhay ng mga Pilipino:  pangkultura, pampulitika, panlipunan, pang-akademya at pangkomunidad..  Maraming bahagi/sakop ang SP, pero higit sa lahat ito ay isang tahanang malayo sa sariling bayan kung saan natututunan/napag-aaralan ang kultura ng Pilipino.

Magpatuloy sa pagbasa

Tau Theta Pi (ΤΘΠ)

Ang Tau Theta Pi ay isang multi-kultural na kapatiran ng mga babae (sorority) na nagtataguyod ng lakas at pagkakaisa sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba.  Inaanyayahan nito ang mga batang kababaihan mula sa iba’t ibang etnisidad at kultura, at may ibang mga major, libangan, kinahihiligan, atbp.  Sa paggawa nito, umaasa ang Tau Theta Pi na magamit ang natatanging katangian ng bawat kapatid na babae upang lumikha ng isang natatanging pakikipag-ugnayan ng mga kapatid na babae (sisterhood) na tunay na kanilang sarili, pati na rin upang pagyamanin ang personal na paglago at pag-unlad ng bawat kapatid na babae.   Magpatuloy sa pagbasa