Category Archives: UC San Diego

Bawasan ang Salita at Dagdagan ang Gawa

Ang salawikaing “Bawasan ang salita at dagdagan ang gawa’” ay itinuro sa akin mula noong bata pa ako. Sa aming pamilya, hindi kami mahilig mag-aksaya ng oras. Natuto ako na kung may oras pa ako para makipagdaldalan, mas makakabuti kung ito ay aking gagamitin upang gawin ang mga mas importanteng bagay. Hindi ibig sabihing hindi ka puwedeng makipag-usap, pero kailangan mong gamitin ang iyong oras nang may kapaki-pakinabang.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Kapalaran nga Naman…

Noong bata pa ako, hindi ko inakalang ako ay mag-aaral dito sa Amerika. Mga sampung taon nang nakatira ang aking pamilya sa California at ako ay hindi pa rin makapaniwala sa laki ng pinagbago ng aming buhay. Noong nasa Maynila pa kami, nag-aral ako sa St. Scholastica’s College. Ipinangarap kong manirahan sa ibang bansa ngunit alam kong mahirap makakuha ng tamang dokumento at maka-ipon ng pera para sa pamasahe. Masayang-masaya ako sa Pilipinas pero tanging ipinangarap kong makakita ng ibang mga tanawin at lugar, tulad ng Hollywood. Marami akong kaibigan sa Pilipinas at alam kong sila ay malulungkot sa aking tinatagong sekreto, pero hindi ko inakalang magkatotoo ang aking mga ipinangarap.

Magpatuloy sa pagbasa