Category Archives: Kasaysayan

Historic Filipino Town

Halina, dalawin ang Historic Filipino Town! Nasa Central Los Angeles at itinatag noong 2002, ang Historic Filipino Town ay nakapaloob sa mga kalsadang Hoover sa kanluran, Glendale Boulevard sa silangan, kalye Temple sa hilaga, at Beverly Boulevard sa gawing timog.

Maraming mga landmark na kultural na pwedeng puntahan ng inyong mga pamilya at mga kaibigan!

Magpatuloy sa pagbasa

I-Hotel

Nakakabagbag-damdamin talaga ang palabas na ito. Ipinakita rito ang paglaban ng mga matatandang Pilipino para sa lugar na kanilang tinitirhan, ang I-Hotel. Ninais ng gobyerno at mga tao sa bisnes na palawakin ang “Wall Street of the West” at ipatibag ang I-Hotel para gawing paradahan ng sasakyan. Pinaalis ng mga pulis ang lahat ng tenant gamit ang puwersa. Hindi man lang nila pinayagan ang mga ito na ipunin ang kanilang mga kagamitan. Lumaban ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagdedemonstrasyon hanggang sa huli. Isang gabi, sinira ng mga pulis ang “human barricade” at pinuwersang paalisin ang mga natitirang tenant sa loob ng otel. Umabot sa puntong kinaladkad na nila isa-isa ang mga matatandang Pilipino. Talagang nakakapang udyok ng galit at hina dahil nakakaawa ang naranasan ng mga Pilipino noong panahon na iyon.

Magpatuloy sa pagbasa

Pablo Manlapit

ni Elinore Lubiano

Ipinanganak si Pablo Manlapit noong ika- 17 ng Enero 1891 sa lungsod ng Lipa, Batangas, Pilipinas. Nakatapos siya sa pampublikong elementarya at intermedya sa Lipa. Tumira si Pablo sa Maynila pero meron siyang problemang maghanap ng matatag na trabaho. Hindi na matiis ni Pablo ang hirap ng buhay sa Pilipinas kaya noong Pebrero 1910, pumunta si Manlapit sa Hawaii, umaasa na magkaroon ng mas-mahusay buhay kaysa sa Pilipinas. Sa Hawaii, ikinasal si Manlapit kay Anne Krasby at nagsimula sila ng pamilya.

Magpatuloy sa pagbasa

Bloody Blundering Business

Ang mga pinakatumatak sa isip ko sa mga nakita ko sa bidyo ang ang pagkarami-raming katawan ng mga sundalong namatay sa giyera ng mga Amerikano at Pilipino. Para sa akin, kahit sinabe ng mga Amerikano na gusto nilang tulungan ito makalaya sa Espanya at maging sibilisado at makapagtayo ng gobyerno, hindi ito ang naging kalabasan ng mga pangyayari. Nagkaroon ng madugong labanan dahil hindi sang-ayon ang mga Pilipino sa pagpapanatili ng mga Amerikano sa Pilipinas. Gusto nito ng sariling kalayaan. Sa totoo lang, gusto lang pala talaga ng mga Amerikano ang lupa ng Pilipinas dahil sa natural na kayamanan nito. Ayaw nila sa mga Pilipino. Pang-ekonomiya lamang talaga ang habol nila.

Magpatuloy sa pagbasa

In Our Image

Ang pamagat ng pelikula ay “In Our Image” kasi kinukuha ang pananaw ng US tungkol sa kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong 1898. Mayroong ibang perspektibo at ideya ng kalayaan at kaligtasan mula sa Espanya at ang mga tao sa Pilipinas. Sa mata ng US sila ang mga tagapagligtas. Sa mata ng mga tao ng Pilipinas, ang US ay isang kolonyal ng kapangyarihan. Ang pamagat nito ay makabuluhan kasi maraming ibang sinasabing ideya tungkol sa kung sino ang sumakop sa Pilipinas pagkatapos ng kolonisasyon ng Espanya. Para sa akin, dahil sa pelikulang ito nagging masmabuti ang pag-unawa ko sa kasaysayan at mas naiintindihan ko ang pagiging Pilipino-Amerikano. Nakatulong ang pelikulang ito sa aking pag-unawa na ang Pilipinas ay kinokontrol, minamanipula, at patuloy na pinaghaharian at dahil dito ang ating kasaysayan ay paulit-ulit na ikinukwento mula sa perspektibo ng tagapagligtas at ang katotohanan ay kailangang ikuwento at unawain.

Magpatuloy sa pagbasa

Filipino Americans, Discovering their Past for the Future

Marami akong natutunan sa panonood ng palabas na ito. Talagang nakakabigla pala ang istorya ng buhay ng mga unang Pilipinong nakapunta rito sa Amerika.

Ayon sa palabas, matagal na panahon na pala ang nakalipas nang unang makarating sa Amerika ang mga Pilipino kasama ang mga Kastila sa paggalugad ng mundo. Pagkatapos ng dalawang siglo, nagtayo ang mga “Manilamen” ng isang maliit na “village” malapit sa bayou ng Louisiana. Tinanggap na pala nila ang pamumuhay dito sa Amerika at ginustong magsimula ng panibagong buhay at hindi na bumalik sa Pilipinas.

Magpatuloy sa pagbasa

The Defenders: Bataan & Beyond

Ang Labanan ng Bataan nagsimula noong Enero 7, 1942 at natapos noong Abril 9, 1942.  Ito ay minarkahan ang pinakamatindi na bahagi na paglusob ng mga Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng higit ng tatlong buwan na pinagtatanggol ng mga sundalo na Pilipino at Amerikano upang panatilihin ang mga Hapon na pwersa mula sa pagsulong sa pamamagitan sa Corregidor, natanto ni Major General Edward P. King na ang kanyang mga tao, bagaman sa pakikipaglaban at pagtatanggol na may tapang at lakas ng bruto, ay pagod na pagod na sila sa paglaban at naabot na ang limitasyon ng tibay nila.

Magpatuloy sa pagbasa