Category Archives: Karanasan at Kaugalian

Lakbay-Laya: Faces of the Filipino-American Journey

Ang mga sumusunod ay pagmumuni ng mga estudyante ukol sa pagiging isang Filipino-Amercan sa Amerika. Mula rito ay makakapaglatag ng panimulang banig ukol sa mga kulay, hugis at pandama ng pagiging Fil-Am, ayon sa ibat ibang miyembro ng pamayanang Pilipino-Amerikano.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Hospitalidad ng mga Pinoy

Nagustuhan ko ang pag-uusap tungkol sa hospitalidad ng mga Pinoy. Totoo talaga ang mga sinabi na napakahospitable talaga ng mga Pilipino. Lagi silang nagbibigay ng pagkain o inumin kapag mayroon silang mga bisita. Lagi silang naghahanda. Maski wala silang pagkain sa bahay na puwedeng ibigay, talagang bibili pa sila ng pagkain. Ganito rin ang aking pamilya. Pagbumibisita ang aking mga kaibigan, laging nagyayaya ang aking ama na bigyan sila ng pagkain. Magpaluto raw ako o bumili sa labas. Ganito rin ang aking ina, kapag may bisita, nag-uutos talaga siyang bumili ng pagkain na masarap. Kapag may balikbayan na titira sa amin ng ilang mga araw, tiyak na handaan sa bahay araw-araw. Ang pagiging hospitable ay isang katangiang tiyak na Pinoy.

Magpatuloy sa pagbasa

Ang Aking Unang Wika

Ipinanganak ako sa Estados Unidos. Ingles ang aking unang wika. Natutunan ko kung paano magsalita noong ako ay mga dalawang taon lang. Bagaman ang aking mga magulang ay nag-uusap sa Bisaya, natutunan ko kung paanong makipag-usap sa wikang Ingles. Katulad ko ang aking mga kapatid na babae na nagsasalita rin ng Ingles. Noong ako ay mas bata hindi kami pinigilan ng aking mga magulang sa pagsasalita ng Ingles sa isa’t isa. Sinigurado ng aking ama na kami ay mahusay sa Ingles sa pamamagitan ng pagwawsto ng aming gawaing bahay at pagpapagawa sa amin ng mga pamantayan, na karagdagan sa aming mga araling-bahay mula sa paaralan. Ang aking Lola na nagpalaki sa akin ay kinakausap kami sa Bisaya at kinakantahan rin niya ako sa Bisaya.

Magpatuloy sa pagbasa

Kuwaresma

ni Michelle Azurin

Napakainteresanteng makita ang kataimtiman ng mga tao sa Pilipinas sa pagpapakita ng kanilang debosyan kay Kristo kapag Mahal na Araw.  Ang mga prusisyon, pagpapapako, at mga anyo ng pagtitika ay mga bagay na hindi natin nakikita sa Amerika.  Natutuwa ako dahil walang mga napakasidhing relihiyosong tradisyon, pero nag-iisip ako kung hindi tunay ang deobsyon natin sa Diyos.  Mas makasarili ba ang mga Amerikano?  Sa palagay ko, pwedeng maging mabait kami at pwede kaming magsabuhay ng aming pananampalataya sa mas simpleng paraan.

Magpatuloy sa pagbasa

Ati-Atihan

Ang Ati-Atihan ay isang pagdiriwang na karangalan ni Santo Nino.  Nangyayari ito sa Enero, noong ikalawang Linggo matapos ang kapistahan ng tatlong hari.  Ito ay isang masayang pagdiriwang sa mga kalye ng Kalibo sa isla ng Panay.  Binibisitan ng mga Ati ang mga tao sa lowlands at manghingi ng pagkain upang masagip gutom.  May awit, pagsasayaw, parada, at musika.  Ang mga tao ay pumupunta sa iglesiya din upang magdasal.  Ang pagdiriwang ay mabuti dahil nagdiriwang ito ni Santo Nino, at ito ay nagpapalaganap ng pagkakaibigan sa pagitan ng mga Ati at ang mga tao na lokal.  Tingin ko na ang pagdiriwang ay dapat napinarangalan dahil ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga para sa kasaysayan at mga orihinal na dayuhan at nagpapalaganap ng buhay ng sama-sama sa pagkakatugma.

Magpatuloy sa pagbasa

Itim na Nazareno

Ang Itim na Nazareno sa isang iskultura ni Jesus na dinadayo ng mga relihiyosong tao sa Pilipinas. Ang iskulturang ito ay galing sa Mexico at ito ay dinala ng mga Espanol sa Pilipinas. Ito ay kulay itim dahil ito ay nasunog noong ang barko na karga ang Itim na Nazareno ay biglaang nasunog. Ang nakakamangha sa Itim na Nazareno ay kung bakit hindi ito tuluyang nasunog. Siguro dahil dito tinuturing ng mga Pilpino na banal ang Itim na Nazareno. Ang iba namang mga deboto ay naniniwala sa Itim sa Nazareno dahil sabi nila ito ay nakakapag-patotoo ng kanilang hiling. Isang halimbawa ay ang pagpapagaling sa may sakit. Sa huli, totoo man o hindi ang mga ito, ang pagdagsa ng mga tao sa Itim na Nazareno ay nagpapatunay ng matatag na paniniwala ng mga Pilipino sa diyos.

Magpatuloy sa pagbasa

Pagmumuni sa Kabilang Buhay

Mayroong mga gabing bigla na lang akong mapapaisip, pano kaya kapag dumating na iyong araw na mawalan ako ng minamahal sa buhay. Madalas nangyayari iyon kapag nagdadasal na sana wag Niyang pababayaan ‘yong mga taong mahal ko sa buhay. Maya maya humahagulgol na pala ko kakaiyak. Ayaw na ayaw kong nangyayari ‘yong mga gabing ‘yon. Ang sakit sakit kasi sa dibdib. Iniisip ko pa nga lang masakit na, pano kaya kapag nangyari na.

Magpatuloy sa pagbasa

Sa Hirap at Ginhawa

Ang pamagat ng pelikula na “Sa Hirap at Ginhawa”  ay mula sa mga salita ng panata sa mga kasalan.  Noong ikakasal ang dawalang tao,  gumawa nila ang isang pangako na maging matapat sa bawat isa para sa kanilang buong bahay.  Sa vidyo, nakikita namin na, sa Pilipinas, ang kasalan ay hindi isang relasyon sa pagitan ng dalawang tao.  Ang kasalan ay isang kaugnayan sa pagitan ng dalawang pamilya.  Minsan, hindi lamang nagsasangkot ng mga pamilya pero ng buong komunidad o baryo din.

Magpatuloy sa pagbasa

Reflection on “Examining the Postsecondary Experiences of Pilipino 1.5-Generation College Students”

by Cheene Bustos

As I was reading the article “Examining the Postsecondary Experiences of Pilipino 1.5-Generation College Students,” I thought to myself, I’m definitely part of this 1.5 generation college students. My father obtained a college degree and my mother at least set foot on college in the Philippines. Even my two older sisters attended and finished college in the Philippines. I was the first one in the family to attend college in the United States. My family provided the encouragement for me to pursue higher education. Actually, it was more of a certainty rather than an option. I had to go to college, and I had to figure out how to do that on my own.

Magpatuloy sa pagbasa