Category Archives: UH Manoa

Pagsisiyasat: Buhay-Estudyante sa Unibersidad ng Hawaii

ni Marie Ramos, UH Manoa, Fil 302

Ipinagtanong ko sa mga kamag-aral ko sa Fil 302 kung ano ang mga kinagawian nila sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang estudyante sa UH Manoa.  Narito ang aking napag-alaman:

1.  Tatlumpung porsyento ng 18 estudyante sa klase (30%) ang hindi gumagastos ng higit ng $15 sa pagkain sa loob ng isang linggo. Sampung porsyento naman sa kanila (10%) ay gumagasta ng mga $15 hanggang $25 sa pagkain sa loob ng isang linggo. Animnapung porsyento ng klase (60%) ay gumagasta ng $25.01 o higit dito sa pagkain sa loob ng isang linggo.

Magpatuloy sa pagbasa

Pagsisiyasat: Pilipinong Napunta sa Ibang Bansa

ni Aira Kariah Iglesas, UH Manoa, Fil 302

Ang sorbey na isinagawa ko sa klase ng Fil 302 ay nagsasabing karamihan sa mga kabataang Pinoy na nangibang-bansa, –ipinanganak man sa Pilipinas o hindi, ay natuto nang magsarili at hindi umasa sa mga magulang, kumpara sa mga estudyanteng ipinanganak sa Pilipinas at doon din lumaki at nakatira. Mataas na porsyento ng mga estudyante sa klase ang ipinanganak sa Pilipinas, at karamihan sa kanila’y nasa edad 23 hanggang 27 – edad kung kailan nagiging responsible sila at natututo nang magsarili sa buhay. Walumpu’t-siyam na porsyento (89%) sa mga estudyanteng sumagot ng sorbey ang may hanap-buhay na, at nagsasabing natuto na silang hindi dumepende sa kanilang magulang. Ayon sa sorbey, animnapu’t-pitong porsyento (67%) ang hindi na humihingi ng pera o sustento sa mga magulang at sila na rin ang nagbabayad sa kanilang matrikula. Isang daang porsyento naman ang nagbabayad na ng kanilang sariling pangangailangan at luho. Nakalulugod makita sa sorbey na isang daang porsyento (100%) ang nagsabing nais nilang tumira sa kanilang tahanan ang mga magulang nila upang sila’y makaganti sa sakripisyo, sa pagpapalaki at pagmamahal sa kanila ng ama’t ina.

Pagsisiyasat: Wika at Kaugalian

ni Nicole Felipe, UH Manoa, Fil 302

Ayon sa aking pagsisiyasat na aking isinagawa sa aming klase ng Fil 302 sa UH Manoa tungkol sa kanilang kaugaliang Pilipino sa tahanan, karamihan sa aking labing-pitong kamag-aral ay sumusunod pa rin sa ilang mga kaugaliang Pilipino tulad ng pananalita, pag-aaliw, pag-aaral at iba pa. Marami ang nagsasalita ng iba’t-ibang wika ng Pilipinas sa kanilang tahanan, tulad ng Ilokano at Pampango. Karamihan ay tinatangkilik pa rin ang pagkaing Pilipino at ang kaugaliang paggalang sa mga nakatatanda. Narito ang mga detalye:

Magpatuloy sa pagbasa